Lunes, Nobyembre 11, 2013

Tonight I pray...

Tonight I pray
Not for myself,
not for my family
But to all the people in Visayas
Sa lahat po ng nasalanta ng bagyong Yolanda.

Tonight I am setting aside
all my worries, struggling, endevours
Please help those people in  tears
Give them food to eat 3x a day
Give them water to drink
Good health to each and everyone.

Ama, alam ko pong selfish akong tao
Pero ngayon po buong puso po akong nananalangin
Nananalangin sa lahat ng nasalanta
Huwag nyo po silang pababayaan
Patatagin nyo po ang kanilang loob
Palakasin nyo po ang bawat isa sa kanila
Punasan nyo po ang kanilang mga luha
Marami pa po sana ang tumulong
Wala man po akong matutulong na pinansyal
Ngunit inaalay ko po ang panalangin
na ito sa lahat ng tao
Nawa po sa gabing ito,
makatulog po sila na may laman ang tiyan
Lubos po akong nagpapasalamat
dahil hindi nyo po pinahintulutang
danasin ng aking pamilya ang sakuna
Ngunit lubos din po ang pagsusumamo ko na
tulungan nyo pong makabangon ang bansang Pilipinas
Yakapin nyo po kaming lahat
Samahan nyo po kami, Ama

                                                                         Amen.


p.s.
Praying for the safety of others won't kill you.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento